CCJC Cheetahs, lumupig ng 21 gintong medalya sa Athletics

Lycamae Penarejo

October 27, 2023

Humakot ang College of Criminal Justice and Criminology (CCJC) Cheetahs ng dalawampu’t isang gintong medalya sa larangan ng Track and Field events ng Intramurals 2023 Athletics competition sa Quezon National Highschool (QNHS), Okt. 28.

Nanguna sa iba’t ibang kategorya sa mga larangan ng takbuhan ang Cheetahs kabilang ang 200-meter, 400-meter, 800-meter, at relay sa mga kalalakihan habang pawang mga Cheetah naman ang nagdomina sa lahat ng event sa dibisyon ng mga kababaihan.

Sina Darryl Jay Manuba at Luke Salamante ng ang tila naging star athletes ng Cheetas sa larangan sa kanilang naiambag na dalawa at tatlong gintong medalya para sa kanilang departamento. Si Krisrelle Daniel naman ang namayani para sa CCJC sa mga kababaihan.

Kapwa mga Cheetahs rin ang nagwagi sa shot put, discuss throw, javelin throw, at long jump sa dibisyon ng mga kababaihan habang sa discuss throw, javelin throw, long jump, at triple jump naman ang dinomina ng mga kalalakihan.

Sa kabuuan, nakapag-uwi ng 34 na medalya ang Cheetahs na binubuo ng 21 na ginto, 10 na pilak at 3 na tanso. Pumangalawa sa kanila ang College of Engineering (CEng) Tigers na nakakuha ng kabuuang pitong medalya at College of Business and Accountancy (CBA) Lions ang nasa ikatlong pwesto na may 6 na medalya.

You might want to read…

The “cost” of microcredentials

The “cost” of microcredentials

At the Manuel S. Enverga University Foundation (MSEUF), education is becoming an expanding expense as instruction is outsourced to overpriced modules. Hundreds of students, particularly in the College of Computing and Multimedia Studies and the College of Engineering,...

The Day After I Graduated

The Day After I Graduated

Sunlight brushed softly against my cheek. I opened my eyes, smiled, and finally exhaled—for the first time in four years, I woke up without the weight of deadlines pressing on my chest. I lay there for a while—staring at the ceiling, noticing cobwebs in the...

They Were Sweet

They Were Sweet

I think I saw it before anyone else did—the way he looked at her,with soft eyes and sweet smiles,like every moment with herwas a scene from a movie. It started small:a glance that lingered a second too long,an inside joke that made them both blush.Eventually, everyone...