CAUSE Party, umalma sa ambang pagpapalawig ng COC filing ng USComelec

Joshua Perez

January 14, 2024

Inalmahan ng Coalition for the Advancement and Unity of the Students of Enverga (CAUSE) Party ang umano’y palpak na pamamalakad ng University Student Comelec (USComelec) sa UCSC-DSC Election ’23 matapos marinig ang balitang palalawigin ang pagpapasa ng certificate of candidacy (COC) para sa mga kandidatong bigong magpakita ngayong araw.

Ayon sa iskedyul na inilabas ng USComelec, ngayong araw, ika-4 ng Setyembre, ay nakatakdang matapos ang opisyal na pagpapalista para sa akreditasyon ng mga partido at pagpapasa ng COC ng mga kandidato. “Masyadong magulo ang pamamalakad ng USComelec.

Hindi kami properly guided sa mga ganap katulad ng sa kanila pala kukuha ng COC, hindi naman nila sinabi. Tsaka noong Friday, may cut-off pala ang pagpapalista sa kanila, hindi rin sinabi sa amin,” ani John Rev Remo, presidente ng CAUSE Party.

“Mahirap kasi hindi naman namin naabutan yung dating eleksyon kaya hindi namin alam ang buong proseso.” Ngayong hapon lang ay nagpasa ng COC ang mga kandidato mula sa CAUSE Party na opisyal namang tinanggap ng mga estudyanteng miyembro ng USComelec.

Dagdag ni Remo, ikinagulat umano nila ang hindi pagpapasa ng COC ng TUGON Party ngayong araw gayong nagpaakredit sila ng partido noong unang araw ng Setyembre.

“Tamo, tapos na ang COC filing tapos yung kabilang partido na nagpa-akredit ay hindi naman sumipot. Malaki ang posibilidad na tanggapin sila ng USComelec pero unfair naman ‘yon para sa amin na sumunod at nagpakapagod para ihabol lahat ng requirements,” pahabol ni Remo.

Bukod sa palpak na paglalatag ng mga iskedyul ng eleksyon na tumapat sa Prelims examination, nangangamba rin ang CAUSE Party na mas magiging magulo lamang ang darating na eleksyon.

You might want to read…

The “cost” of microcredentials

The “cost” of microcredentials

At the Manuel S. Enverga University Foundation (MSEUF), education is becoming an expanding expense as instruction is outsourced to overpriced modules. Hundreds of students, particularly in the College of Computing and Multimedia Studies and the College of Engineering,...

The Day After I Graduated

The Day After I Graduated

Sunlight brushed softly against my cheek. I opened my eyes, smiled, and finally exhaled—for the first time in four years, I woke up without the weight of deadlines pressing on my chest. I lay there for a while—staring at the ceiling, noticing cobwebs in the...

They Were Sweet

They Were Sweet

I think I saw it before anyone else did—the way he looked at her,with soft eyes and sweet smiles,like every moment with herwas a scene from a movie. It started small:a glance that lingered a second too long,an inside joke that made them both blush.Eventually, everyone...