Artwork

Artwork by Francene Baldeo

Baka Maari

Florian Kathleen Ann San Juan

December 10, 2024

Nakalupagi sa sulok ng pighati
Nilalamon ng asul na mga sana
At umaalingawngaw na saklolo
Na tanging ako lamang ang ginugulo.

Sa bawat iginuguhit na linya
At mga binubuong arkitektura
Ay ang mahigpit na hawak ng kaniyang kaluluwa
Sa aking nagdadalamhating diwa

Sa pagkawala niya’y dulot ay hapis sa akin
Ngunit sino ang dapat sisihin?
Sino ang dapat managot?
Ako at ako pa rin

Melodiya niya’y walang katapusang lalim
Umaagos na pagsisisi at lagim
Sapagkat pinili itong lapis at panraya
Mula sa musika na aking minahal at saki’y nagpalaya

Ang kaluluwa ng aking naupos na alab
Ang patuloy na nang-gagambala
Humihingi ng isang pagkakataon,
Isang hustisya

Kung kaya’t baka naman maaari…
Sa susunod na buhay,
Kung may susunod na buhay
Kung maaari…

You might want to read…

The “cost” of microcredentials

The “cost” of microcredentials

At the Manuel S. Enverga University Foundation (MSEUF), education is becoming an expanding expense as instruction is outsourced to overpriced modules. Hundreds of students, particularly in the College of Computing and Multimedia Studies and the College of Engineering,...

The Day After I Graduated

The Day After I Graduated

Sunlight brushed softly against my cheek. I opened my eyes, smiled, and finally exhaled—for the first time in four years, I woke up without the weight of deadlines pressing on my chest. I lay there for a while—staring at the ceiling, noticing cobwebs in the...

They Were Sweet

They Were Sweet

I think I saw it before anyone else did—the way he looked at her,with soft eyes and sweet smiles,like every moment with herwas a scene from a movie. It started small:a glance that lingered a second too long,an inside joke that made them both blush.Eventually, everyone...