Anino sa Dilim

Lycamae Penarejo

November 5, 2023

Ako si Anna, dating criminology student ng Enverga na may malupit na karanasan sa mga kababalaghan ngunit hindi ko inaasahan na ako mismo ang matutulad sa mga kwentong iyon. Tanda ko noon sa AEC Building, matapos ang huling klase ko, nagdesisyon akong mag-stay ng kaunti sa aming building.

Sa paglusong ko patungo sa Room 104, naramdaman ko na ang kakaibang elemento sa paligid. Mag-isa akong naglalakad sa mahabang pasilyo patungo sa Room 104. Binuhay ko ang phone ko at binuksan ang camera ko at pinindot ang “Start Video” baka sakali lamang. Napansin ko na ang mga ilaw ay unti-unti nang nawawala sa bawat hakbang na aking ginagawa. Dahan-dahan akong kinakabahan habang lumalim ang dilim. Nang marating ko ang silid, iba na ang atmospera. Ang temperatura ay bumaba, at may malamig na hangin na dumaloy mula sa bintana.

Sa loob ng Room 104, ang mga gamit sa paligid ay tila nasa ibang dimensyon. Nakabalandra ang mga upuan, nakahiga na lamesa, at putol-putol na mga pahina ng libro na nakalatag sa sahig. Napansin kong may mga lumang larawan sa mga pader, mga lumang larawan na hindi ko magawang matukoy ang mga mukha.

Ang kaunting liwanag at malamig na hangin ang nagbigay-daan upang makita ko ang isang anino, paikot na nanginginig sa sulok ng silid. Lalo pang tumindi ang takot ko nang biglang umandar ang mga gamit sa silid nang may kababalaghan. Ang mga upuan ay nagliparan at ang lamesa ay gumalaw nang marahas. Parang lahat ng kababalaghan ay nagkakaisa upang ipahayag ang kanilang presensya. Bumabalot sa paligid ko ang kaba at takot. Ramdam ko ang malapit na panganib. Sa gitna ng kaguluhan, may narinig akong gintong tawa. Ang tunog na iyon ay nagpabangon ng mga balahibo ko.Naglakad na ako palabas, mahigpit kong bit-bit ang selpon ko ngunit biglang katahimikan. Lumingon ako. Lahat ng upuan at gamit ay nakaayos sa dating pwesto tila walang nangyari.

Sa dulo ng corner, may isang maliit na babae na may malalaking mata, nakaitim, at nakatayo. Ang mga mata niya ay puno ng kamandag at ang tawa niya ay tila tinatanggal ang pinakamahirap na bahagi ng katauhan ko. Itinaas ko ang selpon ko saglit sa babae sabay takbo ako, hindi alintana ang mga panganib na dumaan sa harap ko. Sa wakas, nakalabas ako ng AEC Building at natagpuan ang aking mga kaibigan. Habang kumakalma ako, nagkwento ako ng aking mga naranasan sa Room 104. Ipinakita ko ang video kahit papaano ay na-iscreenshot ko yung hitsura ng multo.

Ngunit, sa aking pagkabahala hindi nila ako pinaniwalaan at tinawanan. Sinabihan pa akong cloutchaser at halatang edited daw. Hindi nila naramdaman ang liwanag, ang kanyang mga mata, at ang kaluluwa niyang sinubukang humabol sa aking pag-alis.

Mula ng gabing iyon, hindi na ako bumalik sa Room 104. Nagsilbi itong babala sa akin na ang ilan sa mga kababalaghan na dati’y narinig ko lamang ay tunay na nag-eexist. Ang kaluluwa na naglalakad sa Room 104 ng AEC Building ay hindi ko malilimutan. Hanggang ngayon, ang alaala ng nakakatakot at nakakakilabot na mga pangyayari na iyon ay nananatiling nakabilanggo sa aking isipin.

You might want to read…

Crawling Filth of Juan Tamban

Crawling Filth of Juan Tamban

In many Filipino homes, a mother’s warmth is the light that embraces, while a father’s strength forms the walls that protect. But what happens when those walls harden into fists, and that light begins to flicker? Beneath the cold floors, something crawls in the house...

When love leave scars

When love leave scars

A bruise blooms like an ink stain on soft skin—dark at first, then fading to a shadow. But some wounds go deeper. Some settle into the bones, whispering their presence in moments of stillness. Peklat Cream, a hauntingly clever track by Bita and the Botflies, gives...

Ending Period Poverty, empowering Filipina students

Ending Period Poverty, empowering Filipina students

Despite ongoing efforts to promote gender equality, period poverty remains a major barrier to education for many young Filipinas. Period poverty refers to the lack of access to menstrual products, inadequate facilities, and the deep-seated stigma surrounding...