Alas ng CED Jaguars, susi sa pag-angkin ng titulong overall champion sa Taekwondo

Ma. Cleofe Bernardino

October 29, 2023

Dahil sa tinatagong alas ang mga manlalaro, umani ang College of Education (CED) Jaguars ng pinakamaraming gintong medalya sa Taekwondo Tournament ng Intramural Games 2023 sa MSEUF Covered Court upang hirangin bilang overall champion, Oct. 31.

Pinangunahan ni Kate Danielle Desaluna ang ag pagkamada ng Jaguars ng mga medalya sa kaniyang pagkapanalo sa Kyorugi, Individual Poomsae (Female Category) at Mixed Poomsae kasama ang kanyang katambal na si Shan Tristan Donaire.

Sa Kyorugi (Female Category), sanib-pwersa ring hinakot nina Alliza Balmes, Luubis Via Castillo, Sheena Flores, at Cindy Ursal ang mga gintong medalya laban sa iba’t ibang departamento habang si Syuel Mayhay naman ay nakakuha ng pilak laban sa pambato ng CCJC Cheetahs.

Sa kabilang banda, nag-iisang nasungkit ni Vince Cedrick Ayala ang ginto sa Kyorugi (Male Category) habang sina King Zander Endiafe, Kurt Jorenze Oxales, Jath Levi Catipon, Jenuario Cedeno, at Arn Kenneth ay kapwa humakot ng mga pilak na medalya mula sa pakikipagtunggali sa ibang departamento.

“Worth it ang pagkapanalo ng CED sa overall champion lalo na sa matinding sakripisyo na ginawa namin tulad ng pagbabalanse ng klase at training. Sobrang ikinatutuwa ko na sa kauna-unahang pagkakataon ay nanalo ang aming departamento bilang overall champion sa taekwondo,” ani Desaluna.

Dagdag pa niya, tatlong linggo lamang umano ang natira sa kanila upang mag-ensayo at mayroon pang mga kalahok na wala noon para mag-ensayo ngunit nanatili naman ang kanilang coach na si Tristan Donaire, isang 1st Dan Black Belt, National PRISAA Player at taekwondo varsity sa Unibersidad, upang maihatid nila ang panalo para sa CEd.

Bilang isang 4th Dan black belter, former varsity player at licensed taekwondo instructor, ginamit ni Desaluna ang matagal na niyang karanasan at kagamitan upang mahasa ang mga sarili para mapanalunan ang titulo.

Sa kabuuan, pitong gintong medalya at anim na medalyang pilak ang naiuwi ng Jaguars dahilan upang sila ay mahirang bilang overall champion ng Taekwondo Tournament.

You might want to read…

The “cost” of microcredentials

The “cost” of microcredentials

At the Manuel S. Enverga University Foundation (MSEUF), education is becoming an expanding expense as instruction is outsourced to overpriced modules. Hundreds of students, particularly in the College of Computing and Multimedia Studies and the College of Engineering,...

The Day After I Graduated

The Day After I Graduated

Sunlight brushed softly against my cheek. I opened my eyes, smiled, and finally exhaled—for the first time in four years, I woke up without the weight of deadlines pressing on my chest. I lay there for a while—staring at the ceiling, noticing cobwebs in the...

They Were Sweet

They Were Sweet

I think I saw it before anyone else did—the way he looked at her,with soft eyes and sweet smiles,like every moment with herwas a scene from a movie. It started small:a glance that lingered a second too long,an inside joke that made them both blush.Eventually, everyone...