Larawan ni Rhencis Baldeo

Larawan ni Rhencis Baldeo

CAS, pinalawak ang pagsasanay sa komunikasyon sa pagbubukas ng bagong laboratoryo

Cyra Marielle Jael

August 25, 2026

Pormal nang binuksan ng College of Arts and Sciences (CAS) ang bagong Communication Laboratory sa pamamagitan ng ribbon-cutting at blessing ceremony, upang magbigay ng bagong pasilidad para sa pagsasanay ng mga estudyante sa komunikasyon at makabagong media sa AEC Building,  Agosto 25.

Binigyang-diin ni Acting Vice President for Academics and Research and CAS Dean Dr. Claudia Ayala ang papel ng laboratoryo sa paghahanda ng mga estudyante para sa iba’t ibang oportunidad sa kanilang pag-aaral at propesyonal na karera.

Magsisilbi itong pasilidad para sa mga gawaing nangangailangan ng aktuwal na pagsasanay sa komunikasyon, kabilang ang podcasting at iba pang anyo ng media production.

Dating ginagamit ang pasilidad bilang “Dark Room” para sa mga kursong pinapangasiwaan ng Criminology Department. Matapos mawalay ang Criminology Department noong 2024, muling binigyang-gamit ang pasilidad bilang Communication Laboratory ng CAS.

Patuloy itong pinauunlad sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga kagamitan, kabilang ang podcasting area na nilagyan ng camera at microphone setup.

Nagtatampok din ang control room na nakaharap sa pangunahing production area, na may television display para sa mga gawaing nangangailangan ng audio at visual production.

Ayon kay Dr. Carmina V. Tolentino, na namamahala sa mga laboratoryo ng unibersidad, patuloy na tututukan ang paglipat ng pasilidad tungo sa paggamit ng mas makabagong teknolohiya at kagamitan.

Pinangunahan ni Mr. Jade Oraa ang seremonya, na sinundan ng pagbabasbas at paglilibot ng mga estudyante at faculty sa bagong pasilidad, na nagmamarka sa panibagong hakbang tungo sa mas makabuluhang pagsasanay sa komunikasyon.

You might want to read…

Levy in the trees, blood in the streets 

Levy in the trees, blood in the streets 

Every sack of copra carried a promise of development. In Guinayangan, the farmers who asked where that promise went were met with gunfire. Before the coco levy became a fund, a corporate asset, or a case argued, it was money a farmer did not bring home. It was...

Empty Choices

Empty Choices

During the special application period of candidacy filing for the University Collegiate Student Council Elections 2026, the five main electoral positions are composed of independent candidates with no contenders. The question now is no longer who should lead, but...