CCJC studes, sumailalim sa seminar; nagbukas ng panibagong perspektibo

Lycamae Penarejo

January 13, 2024

Sa pagtatapos ng unang semester naglunsad ang CCJC ng seminar sa University Gym noong Disyembre 12. Ito ay para sa mga estudyante upang malaman nila ang kahalagahan ng kanilang programa at paano sila nito matutulungan sa kanilang magiging trabaho.

Nagkaroon ng seminar sa umaga ukol sa Behavior and Stress Management para sa 1st year students na pinangunahan ni Mr. Rey Marco Z. Casińo bilang pangunahing tagapagsalita.

Binigyaang diin ni Sir Marco ang kahalagahan ng pagkakaroon ng tamang paraan kung paano harapin ang stress at kung paano ito malulunasan. Nabanggit niya sa kaniyang presentasyon na 60% ng mga impormasyon na nakikita ng tao sa internet ay tinatanggap na lamang bilang totoo kung saan nagmumula ang stress.

Dagdag niya na bukas ang Guidance Counseling sa loob ng Unibersidad kung sakaling kailangan ng mga estudyante mula sa departamento ng kriminolohiya ng makakausap at mapagsasabihan ng kanlang nararamdaman.

Samantala noong hapon nagkaroon ng ikalawang bahagi ng seminar para sa mga 3rd year at 4th year student’s ng Enverga na may temang “Transnational Organized Crime and Anti-Terrorism Law of 2020: Addressing Borderless Crimes and Violent Extremism” na pinangunahan ni Dr. Winston John R. Casio, bilang tagapagsalita. Ipinaliwanag niya rito ang kahalagahan ng pag alam sa mga batas sa pilipinas at iba’t ibang uri ng krimen na lumalaganap sa bansa.

Ilan sa kaniyang nabanggit ang Human Trafficking at Money Laundering. Isinagawa ang seminar na ito bilang pagbubukas sa unang araw ng Criminology Week 2022.

You might want to read…

The “cost” of microcredentials

The “cost” of microcredentials

At the Manuel S. Enverga University Foundation (MSEUF), education is becoming an expanding expense as instruction is outsourced to overpriced modules. Hundreds of students, particularly in the College of Computing and Multimedia Studies and the College of Engineering,...

The Day After I Graduated

The Day After I Graduated

Sunlight brushed softly against my cheek. I opened my eyes, smiled, and finally exhaled—for the first time in four years, I woke up without the weight of deadlines pressing on my chest. I lay there for a while—staring at the ceiling, noticing cobwebs in the...

They Were Sweet

They Were Sweet

I think I saw it before anyone else did—the way he looked at her,with soft eyes and sweet smiles,like every moment with herwas a scene from a movie. It started small:a glance that lingered a second too long,an inside joke that made them both blush.Eventually, everyone...