artwork by Fiorella Baldeo

Sigaw ng Tuyong Labi

Daniel Calusin

February 28, 2025

Nang minsa’y dumampi

ang tubig sa uhaw mong bayan

Winasak na ang tanikalang gumagapi

Panatag na ang kaluluwang naghinagpis

Ngunit isang kamay ang muling humaplos,

Magaspang, marumi, at hindi kanais-nais

Hanggang sa humantong sa pagkatuyo ng mga labi,

Inalis ang karapatang bumanggit ng mga salita,

Nangibabaw ang pula sa dating asul na naghahari

Kasakima’y lumaganap, dugo’y dumanak

Nawala ang bituin at dumumi ang mga puti

Nawalan ng pag-asa bayan mong tinatangi

“Kalayaan!” sigaw ng kaluluwang inalipin

“Katotohanan!” ang nais ng mga taingang ginawang bingi

“Katarungan!” ang sigaw ng tuyong labi

Hustisya ang bulong ng pusong ginapi

You might want to read…

The “cost” of microcredentials

The “cost” of microcredentials

At the Manuel S. Enverga University Foundation (MSEUF), education is becoming an expanding expense as instruction is outsourced to overpriced modules. Hundreds of students, particularly in the College of Computing and Multimedia Studies and the College of Engineering,...

The Day After I Graduated

The Day After I Graduated

Sunlight brushed softly against my cheek. I opened my eyes, smiled, and finally exhaled—for the first time in four years, I woke up without the weight of deadlines pressing on my chest. I lay there for a while—staring at the ceiling, noticing cobwebs in the...

They Were Sweet

They Were Sweet

I think I saw it before anyone else did—the way he looked at her,with soft eyes and sweet smiles,like every moment with herwas a scene from a movie. It started small:a glance that lingered a second too long,an inside joke that made them both blush.Eventually, everyone...