Artwork by Pat Noah Balce

Habol-Habulan: Maiba’y Taya

Daniel Calusin

October 23, 2024

Isa. Dalawa. LIMA!
Lima pa, dalawa sa kanan tatlo sa kaliwa.
Mahuli sa pila’y s’yang kawawa
Pasaherong pahulihin, siyang laging taya.

Tumutulo ang pawis.
Kumakaripas.
Lumiliksi.
Nagmamadali akong lumundag sa dyip.
Walang pasaherong hindi mahahagip
Sa dalang sobreng kulubot at punit-punit.

Tangan ng maliliit, makalyo, at magaspang kong palad
Sobreng pula, may grasa, at malapad
Sampung sobre sa kanan, walo sa kaliwa
Tila akong multo sa pag-iwas ng mga tingin

Tumatagos ang tingin sa aking kaluluwa
Ngunit di alintana yaring mga gawa
Dahil nakasanayan na ng mura kong mga buto
At walang-muwang kong isip at pagkatao.

Isa…Dalawa…Lima
Bilang ‘yan ng perang nakolekta
Sa ilang oras na pamamalimos at pagsasahod ng palad
Na kahit isang masarap na pansit ay di malalasap

Limang buwan na rin mula nang nagsimula
mamigay ng sobre at mamalimos sa kalsada
Ibang-iba ang mga sobreng ito sa natanggap
Noong pinaalis kami sa tahanang ngayo’y hanap-hanap

Isa. Oras na naghanda bago tuluyang lisanin ang tahanan.
Dalawa. Taong gumiba sa aming pintuan.
Lima. Kawangis ng aking limang laruang sasakyan
Na siyang pumatag sa aming tahanang sinisinta

Lima. Iyan pa ang bilang ng pamilya ko noon.
Na bawat araw ay tila’y lumalaon
Dalawa. Buwan na hindi kami makakain.
Isa. Mag-isa na lang nakikipagsapalaran sa mundong ipinagkait sa akin.

Isa. Dalawa.Takbo.
Hindi ito ang aking ninais na mundo

Isa. Dalawa.Tulong.
Lima pulis and nakapalibot sa akin ngayon
Habang umaagos ang pulang likido
Sa mainit at maduming sahig
Hindi ako ang may kasalanan, ngunit bakit ako ang taya.

You might want to read…

The “cost” of microcredentials

The “cost” of microcredentials

At the Manuel S. Enverga University Foundation (MSEUF), education is becoming an expanding expense as instruction is outsourced to overpriced modules. Hundreds of students, particularly in the College of Computing and Multimedia Studies and the College of Engineering,...

The Day After I Graduated

The Day After I Graduated

Sunlight brushed softly against my cheek. I opened my eyes, smiled, and finally exhaled—for the first time in four years, I woke up without the weight of deadlines pressing on my chest. I lay there for a while—staring at the ceiling, noticing cobwebs in the...

They Were Sweet

They Were Sweet

I think I saw it before anyone else did—the way he looked at her,with soft eyes and sweet smiles,like every moment with herwas a scene from a movie. It started small:a glance that lingered a second too long,an inside joke that made them both blush.Eventually, everyone...