artwork by Sharmaine Villadolid

Dapit Hapon

Daniel Calusin

September 28, 2024

Simula nang maghiwalay sina mama at papa
Laging ako na ang naglilinis ng bahay
Nawala ang nakabibinging sigawan
Ngunit naiwan ang kalat sa aming tahanan

Walang pinalagpas na araw sa mga taon
At tuluyan nga akong napagod sa pagwawalis
Paunti-unti, naging madumi ang aking kwarto
At napuno ng kalat sa bawat sulok

Paglipas ng mga araw ay siyang kasabay
Ang tila pagbilis ng takbo ng buhay
Napapagod na ang sarili sa paghabol
Sa hiningang tila ayaw nang magpahabol

Iniisip ko na sa tuwing makikitang
lumulubog ang araw
Ay kasabay na lulubog ang
Aking mga pangarap—ngunit makulimlim ang araw na iyon.

Naririnig ko sa labas ang ulan ngunit
Patuloy ang patak sa loob nitong tahanan
Inagos na ng baha ang mga kalat
Tuluyan nang lumuwag ang dating sikip na tuluyan.

Nang yumapak sa labas ng dating maruming tahana’y
Sumisilip na liwanag ang unti-unting kumukubli
Sa kulimlim ng tila walang hangganang kalangitan
Tumila na ang ulang akala ko’y hindi na magwawakas pa.

You might want to read…

The “cost” of microcredentials

The “cost” of microcredentials

At the Manuel S. Enverga University Foundation (MSEUF), education is becoming an expanding expense as instruction is outsourced to overpriced modules. Hundreds of students, particularly in the College of Computing and Multimedia Studies and the College of Engineering,...

The Day After I Graduated

The Day After I Graduated

Sunlight brushed softly against my cheek. I opened my eyes, smiled, and finally exhaled—for the first time in four years, I woke up without the weight of deadlines pressing on my chest. I lay there for a while—staring at the ceiling, noticing cobwebs in the...

They Were Sweet

They Were Sweet

I think I saw it before anyone else did—the way he looked at her,with soft eyes and sweet smiles,like every moment with herwas a scene from a movie. It started small:a glance that lingered a second too long,an inside joke that made them both blush.Eventually, everyone...