Aba po Santa Lustitia

Simon Romuel Legion Uy

September 16, 2020

Aba po Santa Lustitia,

Ina ng katarungan

Ikaw ang kabuhayan, pag-asa’t katamisan;

Sa aba ay walang kinikilingan

At sini-sino sa harap ng batas.

Ay Aba po Santa Lustitia,

Ilingon mo sa amin

Ang mga mata mong nakapiring,

Iyong ipagtanggol ang mga naapi

At iusig ang mga walanghiya.

Aba po Santa Lustitia,

Tinatawag ka namin

Ang pagtangis ng madla

Sa nag-aalab niyang pagkamatay

Dini sa bayang kahapis-hapis,

Bakit hinayaan mong tapakan na lamang nila

Ang bangkay ni Eba

Para magbigay daan sa iba.

Aba po Santa Lustitia,

Tila tumagilid ang iyong timbangan

At nabayaran na ang buhay ni Eba.

Pinatay na siya ng walang awa,

Pinatay muli siya ng sistema.

At pilit nilinis ang mantsa ng dugo

Sa uniporme ng kano.

Hindi pa napapagbayaran ang kasalanan

Ay pinatay muli si Eba ng ating Ama.

Aba po Santa Lustitia,

Kailan matatapos

Yaring pagpapasakit sa amin,

Walang danyos ang magpapagaan

Sa bigat ng nararamdaman

Ng isang Ina.

Aba po Santa Lustitia,

Kami ay muling maniningil; 

Hindi salapi kundi ang nabigong hustisya para kay Eba.

O magiliw, mahabagin, Aba po Santa Lustitia.

You might want to read…

The “cost” of microcredentials

The “cost” of microcredentials

At the Manuel S. Enverga University Foundation (MSEUF), education is becoming an expanding expense as instruction is outsourced to overpriced modules. Hundreds of students, particularly in the College of Computing and Multimedia Studies and the College of Engineering,...

The Day After I Graduated

The Day After I Graduated

Sunlight brushed softly against my cheek. I opened my eyes, smiled, and finally exhaled—for the first time in four years, I woke up without the weight of deadlines pressing on my chest. I lay there for a while—staring at the ceiling, noticing cobwebs in the...

They Were Sweet

They Were Sweet

I think I saw it before anyone else did—the way he looked at her,with soft eyes and sweet smiles,like every moment with herwas a scene from a movie. It started small:a glance that lingered a second too long,an inside joke that made them both blush.Eventually, everyone...