Bagong gusali ng SHS, kantina ng BED, pormal na binuksan

theluzonianmseuf

September 8, 2020

Sa loob ng isang taong paggawa ay nabuksan na ang bagong gusali ng Senior High School (SHS) at bagong kantina ng Basic Education Department (BED), Hulyo 31, na disenyo ni Ar. Raul Villanueva at isinagawa ng Rockwell Construction ni Engr. Eric Sy.

Pinangunahan nina Chairman/CEO Wilfrido Enverga, maybahay na si Gng. Grace Enverga at Pangulong Naila Leveriza ang seremonya na pagpuputol ng laso, katuwang si Gng. Reina Pasumbal, punong guro ng Basic Education Department.

Isinagawa naman ni Fr. Ramil Esplana, kapelyan ng Pamantasan, ang pagbabasbas ng mga silid aralan, laboratoryo, silid aklatan, silid ng mga guro, dance studio at kantina.

Sinimulan sa doksolohiya, pambansang awit at himno ng Pamantasan sa pangunguna ng MSEUF Concert Singers ang ikatlong yugto ng programa. Sinundan ito ng bating panimula ni Gng. Pasumbal at mensahe mula kay Pangulong Leveriza.

Nagpahayag ng kagalakan ang Pangulo na nagampanan ng Pamantasan ang hininging tulong ng Kagawaran ng Edukasyon na alalayan ang pagbubukas ng Senior High School Program sa Dibisyon ng Lucena.

Samantala, kinatawan ni Assistant Schools Superintendent Babylyn Pambid si Superintendent Dr. Aniano Ogayon na nagpahayag ng kagalakan sa pagtatayo ng SHS Bldg. na may mga angkop na pasilidad para sa mga mag-aaral.

Dumalo rin sina VP Dr. Benilda Villenas, Evelyn Abeja, Celso Jaballa at Cesar Wong kasama ang iba pang opisyal ng Pamantasan. Inanyayahan din ang mga stallholders ng bagong kantina.

You might want to read…

The “cost” of microcredentials

The “cost” of microcredentials

At the Manuel S. Enverga University Foundation (MSEUF), education is becoming an expanding expense as instruction is outsourced to overpriced modules. Hundreds of students, particularly in the College of Computing and Multimedia Studies and the College of Engineering,...

The Day After I Graduated

The Day After I Graduated

Sunlight brushed softly against my cheek. I opened my eyes, smiled, and finally exhaled—for the first time in four years, I woke up without the weight of deadlines pressing on my chest. I lay there for a while—staring at the ceiling, noticing cobwebs in the...

They Were Sweet

They Were Sweet

I think I saw it before anyone else did—the way he looked at her,with soft eyes and sweet smiles,like every moment with herwas a scene from a movie. It started small:a glance that lingered a second too long,an inside joke that made them both blush.Eventually, everyone...