OSAS SEED Program

shot by Ma. Cleofe Bernardino

Graduating Class ’24, naglaan ng pondo para sa SEED Program ng OSAS

Ma. Cleofe Bernardino

July 27, 2024

Nagbigay ng Php 31,601.00 na donasyon sa Student Economic Enterprise Development (SEED) Program ng Office of Student Affairs and Services (OSAS) ang MSEUF Graduating Class 2024 na pinangunahan ni President Mandy Joyce Samar, Hulyo 27.

Sa isang seremonya sa loob ng OSAS Building, tinanggap ni OSAS Director Joana Fe Panganiban ang nasabing donasyon na mula sa natirang budget noong nakaraang recollection.

Ayon kay Samar, isang Accountancy graduate, nais nilang matulungan ang mga estudyante sa pamamagitan ng pagbibigay ng access sa pinansyal na suporta upang mapaunlad ang mga negosyo sa pamamagitan ng pagtaas ng financial fund o working capital.

“We wanted to put our remaining funds to good use, and supporting student entrepreneurship felt like a perfect fit. We’ve noticed a growing interest in business among students, whether as a primary income source or a side hustle,” aniya.

Ang Student Economic Enterprise Development (SEED) ay isang programang binuo ng OSAS na layuning matulungan ang mga estudyanteng negosyante o mga nagbabalak na magnegosyo na umangat ang kanilang pangkabuhayan sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng aktibidad na pang-negosyo.

Samantala, tinanggap ni OSAS Director Panganiban ang pondo at sinabing ito ay malaking tulong sa paglago ng financial resources na makakatulong sa mga estudyanteng negosyante sa Enverga University.

You might want to read…

The “cost” of microcredentials

The “cost” of microcredentials

At the Manuel S. Enverga University Foundation (MSEUF), education is becoming an expanding expense as instruction is outsourced to overpriced modules. Hundreds of students, particularly in the College of Computing and Multimedia Studies and the College of Engineering,...

The Day After I Graduated

The Day After I Graduated

Sunlight brushed softly against my cheek. I opened my eyes, smiled, and finally exhaled—for the first time in four years, I woke up without the weight of deadlines pressing on my chest. I lay there for a while—staring at the ceiling, noticing cobwebs in the...

They Were Sweet

They Were Sweet

I think I saw it before anyone else did—the way he looked at her,with soft eyes and sweet smiles,like every moment with herwas a scene from a movie. It started small:a glance that lingered a second too long,an inside joke that made them both blush.Eventually, everyone...