Kumustahan

shot by Cyra Marielle Jael

Baliktanaw sa Eleksyon ’22, bumida sa Kumustahan kasama sina Diokno, Pangilinan, Aquino

Inilunsad ng Kaya Natin Youth Lucena ang isang Kumustahan kasama sina Atty. Chel Diokno, Atty. Kiko Pangilinan, at former Sen. Bam Aquino na binigyang pansin ang labis na suporta ng mga taga-Quezon sa kanilang partido noong nakaraang eleksyon, Hulyo 17.

Sa talumpati ni Atty. Diokno, inihayag niya na ang pwersa ng mamamayan ang tunay na power ng bayan, matapos siyang magbigay mensahe tungkol sa lakas ng nasyonalismo na ipinakita ng mga taga-Quezon na animo’y naging parte ng takot noon sa kabilang partido.

Itinuring ang Kumustahan bilang preparasyon para sa paparating na halalan kung kaya’t pina-iigting nila muli ang naging lakas ng pwersa ng mga lider-estudyante at iba pang mga organisasyon na kalahok dito.

“Hindi natin ginagawa ang kumilos dahil tiyak ang [ating] pagkapanalo, ginagawa natin ito dahil tiyak tayo sa ating prinsipyo at paninindigan,” pagbabaliktanaw naman ni Atty. Pangilinan sa isang tanong ng isang lider-estudyante ukol sa pag-asa at paninindigan matapos ang naging resulta ng eleksyon noong 2022.

Alinsunod naman sa mga napapanahong isyu, naging mainit na usapin sa kaganapan ang kasong ‘stolen identity’ ni Alice Guo na ani Pangilinan ay isang “kasanayan” para gamitin ang kapangyarihan sa pang-aabuso ng iba.

Binigyang-diin din ni Pangilinan ang kahalagahan ng mga kabataan para sa pagpapalawig ng impluwensya ng midya na maaaring maging mabisang sandata para sa paparating na kampanya.

Bukod pa rito, nagbigay din ng mga kritikal na kaalaman sina Diokno, Pangilinan, at Aquino sa naganap na open forum. Dito ay inihain ng mga kalahok ang ilan sa mga isyu sa lokal at pambansang sektor gaya ng red tagging, Anti-terror Law, korapsyon, at ang diumano’y pandaraya noong nakaraang eleksyon.

You might want to read…

Hindi pa tayo malaya

Hindi pa tayo malaya

Hindi ko magawang bumati ng “Maligayang Araw ng Kalayaan.” Sa tuwing ika-12 ng Hunyo, muli nating ginugunita ang kasarinlang ipinaglaban at pinagbuwisan ng buhay ng mga bayaning nangarap ng isang malayang Pilipinas. Ngunit habang nababasa ko ang mga balitang tungkol...

Pamusay

Pamusay

Sa pula o sa puti, Iisa lamang ang lahi, Ngunit tila parehas nagtatalo Nakailang kahig para sa iisang tuka Nauuna pang dumilat kaysa sikat ng araw, Ngunit sikmura’y nananatiling hungkag Tila ba’y tayo rin ang nagtatanim ng mga sugat Para sa pinamusay nilang mga butil...

Where do wishes go when candles die

Where do wishes go when candles die

Year after year, when the candles burn bright, they carry the same question.“What would you wish for?”I smile, but my lips stay sealed. The words gather in my chest, pressing softly against my ribs, while the smoke curls upward as if it knows where to go better than I...