Masayang naghiyawan matapos humakot ng napakaraming ginto ang College of Criminal Justice and Criminology (CCJC) bilang overall champion sa larangan ng taekwondo dito sa Defense Tactics (DT) Building noong Abril 26.
Sa klasipikasyon ng fin weight, nakamit ni Shan Tristan Donaire ng CED ang gintong medalya habang si Adrian De Gola mula CCJC ang nakakuha ng silver medal.
Mula sa CENG, nakamtan ni Adam Francis R. Viñas ang gintong medalya sa kasipikasyon ng fly weight habang napasakamay ni Daryl Jay Manuba ng CCJC ang silver medal.
Sina Adrian Glinogo, Carl Anthony Pentes at John Rafael De Luna na nagmula lahat sa CCJC ay naghakot ng gintong medalya mula sa kanilang kategory: bantam weight, feather weight, at light weight.
Sa welter weight, nasungkit ni Ken Parafina ng CME ang gintong medalya habang si Mark Nathaniel Gozo ng CCJC ang silver medal.
Mula sa CME, nanalo si Kniven Reyes ng ginto medalya sa heavy weight habang si Ronnie Cataquiz ng CCJC ang nakakuha ng silver medal.
Nagwagi si James Alexander Reyes ng gintong medalya habang si Shan Tristan Donaire ng silver medal mula sa kategorya ng poomsae.
Sa male category ng taekwondo, nakaupo sa 2nd runner up ang CED habang 1st runner up ang CME. Naghari ang CCJC bilang overall champion sa male catgory. Sa kabilang banda, nakamit ni Danielle Kate O. Desaluna mula sa CED ang gintong medalya sa kategorya ng flyweight at poomsae habang si Aezel Marie Alpuerto mula sa CCJC ang silver medal sa flyweight.
Sina Alexa Macaraig, Judy Amoren, Jeancel Marie Atentar, Janelle Layba at Rachel Gordula na nagmula lahat sa CCJC ang umani ng mga gintong medalya mula sa kanilang kategorya: bantam weight, feather weight, light weight, welter weight, and heavy weight.
Nag-iisang taekwondo player na mula sa CAS na si Juliana Sandra Nayo ang nakasungkit ng gintong medalya sa kategorya ng middle weight habang si Kaye Ann Atienza ng CCJC ang nagkamit ng silver medal.
Sa kababaihan, ang CAS nasa pangalawang pwesto habang ang CED nakakuha ng unang pwesto. Sa huli, nanatili pa rin ang CCJC bilang overall champion sa female category.
Ayon kay Myracel Ramos, head coach ng taekwondo at faculty ng CCJC, “Talagang nag-eeffort kami para matrain kahit mabilisan ang mga players. Although yung iba wala talagang background sa taekwondo pero yung iba matagal na may experience, sinusubukan namin iexpose sila na sa taekwondo para sa gaganapin na intrams nakalaro sila kahit papaano.”
Dagdag pa ni Mam Gie Canonigo, assistant head coach at faculty ng CCJC, “Ang pinagkaiba mga students namin ay ang wala sila arte at willing maglaro kahit hindi sila talagang lumalaro, basta sinabi naming trainee kayo at ilalaban kayo sa ganitong paligsahan, pumapayag sila.”