EUknow: Pagsusuot ng Department Shirt, Isyu nga ba?

theluzonianmseuf

January 13, 2024

Sa kabila ng maraming proyekto at aktibidad na isinusulong ang Pamantasan ng Enverga upang mapaangat at mas makilala ang institusyon.

Ngunit marami pa ring agam-agam ang kumakalat sa loob ng Unibersidad, mga isyung lumalaganap ukol sa iba’t-ibang usapin, plano kaya ng institusyon na puksain ang kumakalat na isyu na ‘to?

Kamakailan nagkaroon ng isyu tungkol sa ibinabang anunsyo ng University Student Collegiate Council (UCSC) ukol sa Resolution No.9 series of 2022 kung saan pinapayagan ang mga estudyante na suotin ang kanilang department shirt tuwing araw ng biyernes.

Umalingawngaw ang balita na mayroong departamento na hindi pinapayagan ang kanilang estudyante na suotin ang kanilang department shirt kahit na mayroong ibinabang resolusyon mula sa itaas. Walang silbi ang resolusyon kung hindi naman ito aaprubahan ng ibang departamento, gayunman, binabalewala lamang nila ang desisyon ng mas nakatataas.

Kasabay nito ang pagkausap ng isang guro sa isang staff sa loob mismo ng opisina sa OSAS kung saan kinausap niya at sinabing hindi niya pinahihintulutan ang hawak niyang departamento na magsuot ng department shirt tuwing biyernes taliwas sa nasabing resolusyon.

Ilan sa mga estudyante ng nasabing departamento ay tila nadismaya at naguluhan sapagkat ibinahagi ng page nila ang anunsyo ng UCSC ngunit pagpasok nila ay napagsabihan silang bawal umano ito gamitin tuwing biyernes.

Maaari panahon na para ayusin ang nasabing pagpili ng departamentong magsusuot ng kanilang department shirt tuwing biyernes o kung tawagin ay wash day.

You might want to read…

The “cost” of microcredentials

The “cost” of microcredentials

At the Manuel S. Enverga University Foundation (MSEUF), education is becoming an expanding expense as instruction is outsourced to overpriced modules. Hundreds of students, particularly in the College of Computing and Multimedia Studies and the College of Engineering,...

The Day After I Graduated

The Day After I Graduated

Sunlight brushed softly against my cheek. I opened my eyes, smiled, and finally exhaled—for the first time in four years, I woke up without the weight of deadlines pressing on my chest. I lay there for a while—staring at the ceiling, noticing cobwebs in the...

They Were Sweet

They Were Sweet

I think I saw it before anyone else did—the way he looked at her,with soft eyes and sweet smiles,like every moment with herwas a scene from a movie. It started small:a glance that lingered a second too long,an inside joke that made them both blush.Eventually, everyone...